"Sulat Para Kay Ordinahero"
Hi Ordinahero! Kung sino man ang nakatanggap ng sulat ko ay ikaw ang tamang tao para bumasa nito. Ikaw ba yun? Oo, ikaw nga! Alam kong nagtataka ka kung sino ako at bakit ko ipinadala yung sulat ko sa iyo. Malalaman mo din iyon kapag binasa mo ang laman nito. 'Wag kang mag-alala hindi ito isang blackmail pero kailangan mong basahin agad ito dahil marami ka pang gagawin pagkatapos nito. Nagtataka ka naman kung anong gagawin mo? -Edi magbasa ka na!
Dear Ordhinahero,
Ang pag-iisang dibdib ng dalawang tao ay isang sagradong pangako na ipinagkaloob sa kanilang mga sarili at sa harap ng Poong Maykapal. Pagmamahalan ang naging pinto ng kanilang pagsasama at susi sa biyayang ipinagkaloob ng Diyos. Anak―na walang kapalit na halaga. Sila ay magkasamang lalabanan ang anumang pagsubok nakaabang sa buhay. Sa hirap at ginhawa o sa sakit man at kalusugan ay lahat malalampasan sa pangalan ng pag-ibig.
Ngunit, habang lumilipas ang panahon ay patuloy paring lumalaki ang bilang ng mga biktima ng domestic violence. Nasaan na ang sa pagmamahalan ay lahat malalampasan? Paano ito nagsimula? Bakit hindi agad makakaalis ang mga biktima nito? At paano tayo, bilang mga ordinaryong mamamayan, makakatulong sa mga asawang babae na nakakaranas ng pagmamalupit at diskriminasyon sa kanilang sariling tahanan?
Ayon sa pag-aaral, walo't kalahating persyento (8.2%) tungkol sa domestic violence ang naiulat lamang sa buong mundo. Ngunit sa kasamaang palad, milyon-milyong babae na biktima ng pang-aabuso ang hindi kasali nito. Karamihan sa kanila ay hindi nagsasalita tungkol nito bagkus ito ay inaakala nilang normal sa buhay asawa at isa lamang usapang mag-asawa na dapat ay hindi binibigyan ng pansin ng lipunan.
Ang lahat ng pagbubugbog, pangbabastos at ang pang-aabuso sa pisikal na anyo at emosyon ay kinakaya ng ilaw ng tahanan dahil ito raw ang hantungan nila sa buhay asawa. Nararapat raw na pagbuntungan ng galit dahil hindi nabigyan ang nais nito o di kaya'y turing nila ay sila ay isang bigong asawa. Ito'y nagpapakita na napakababa ng pagtingin ng mga kababaihan sa kanilang mga sarili. Pero ang puno't dulo kung bakit tinitiis nila ang mga pasakit ay ang kanilang mga anak. Walang mabuting ina ang gugustong lumaki ang kanyang anak sa hindi buong pamilya dahil alam niyang makakaapekto nito sa kinabukasan ng mga anak kapag wala ang suporta ng haligi ng tahanan. Kaya mas gugusto niyang maging isang bugbog saradong asawa dahil ang kanyang pagmamahal sa anak ay walang katumbas kahit ikamatay pa niya ito.
Napakasaklap ng pinagdaanan ng milyon-milyong domestic violence victims lalo na sa kasalukuyang henerasyon ayon sa pag-aaral. Nakakaawa na hindi lahat ay may kayang ipagtanggol ang kanilang mga sarili dahil sila'y binihag ng takot, pighati at diskriminasyon. Dapat ay agad tayong magsagawa ng aksyon upang mapigilan ang domestic violn\ence at ang pagkalat nito sa buong mundo. Bilang isang Ordinaherong mamamayan na katulad mo, maraming paraan ang magagawa upang makatulong sa kababaihan laban sa domestic violence.
Isa sa mga paraan na makakatulong ay ang pakikinig sa kanila. Para sa mga biktima ng pang-aabuso, ang pakikinig lamang sa kanilang mga suliranin ay nagpapagaan ng kanilang loobin. Ikalawa ay ang pagdadala nila sa malapit na hospital o DSWD sa komunidad upang maipagamot ang mga pasa at mabigyan ng proteksyon. Ikatlo ay ang pagpapayo at pagpapaalala na hindi karapatdapat na pagmalupitan dahil tao sila at hindi pag-aari-na mayroon pang pag-asa na baguhin ang kanilang mapait na kapalaran.
Hindi pa huli upang iligtas sila. Buksan lang natin ang ating mga pinto at tanggapin sila ng buong-buo na may respeto at pagmamahal.
Ikaw ang napili para sa misyong ito. Sana ay magtagumpay ka na puksain ang domestic violence at ibalik ang pemenismo sa buong mundo.
Totoo sa inyo,
Wonder Ordinahero
PS Ngayon ay nabasa mo na ang sulat, handa ka na bang sumabak sa laban?
Nagulat ka noh? 'Kala mo si Wonder Woman ang nagsulat sa iyo. Hehe, better luck next time!