Noli Me Tangere
Dr.
Jose Rizal
"Ang nobelang walang kamatayan"
"Ang nobelang walang kamatayan"
Patuloy na mananatili ang diwa at
mesahe nito
sa puso ng mga Pilipinong tunay na
nagmamahal sa Inang Bayan.
Ang
Pagsisiwalat ng Katotohanan
KABANATA
1: ISANG HANDAAN
Sa salu-salong inihanda ni Don Santiago ay may panggulong
naganap na sinimulan ni Padre Damaso na labis sa pangungutya sa mga Filipino at
galit-galit sa kanyang paglipat sa ibang parokya dahil sa mga di-totoong
paratang daw tungkol sa kanyang di-makatarungang gawa bilang isa sa mga puno ng
simbahan ng San Diego.
KABANATA
2: CRISOSTOMO IBARRA
Habang ang ilan ay nagsasaya sa handaan, may masamang
hinala si Crisostomo Ibarra sa sinapit ng kanyang ama na si Don Rafael
Crisostomo bago siya namatay nang ang kinikilala niyang kaibigan ng kanyang ama
na si Padre Damaso, ay itinanggi ang kanilang pagkakaibigan ngunit nawala itong
hinala nang ang Tenyente Guevarra ay nakipaghalubilo sa kanya at taos-pusong
pumuri sa kanyang yumaong ama na isang mabuting tao.
KABANATA
3: SA HAPUNAN
Nabanggit ni Ibarra sa mga panauhan habang sila’y
naghahapunan, na kahit siya’y doon sa Europa nag-aaral ay di niya nakalimutan
ang kanyang bayan kundi ito mismo ang nakalimot sa knaya nang hindi siya
pinaalam ng isang taon sa pagkamatay ng kanyang ama.
KABANATA
4: EREHE AT SUBERSIBO
Isinuwalat ni Tenyente Guevarra ang katotohan sa likod ng
pagkamatay ng ama ni Ibarra na siya’y nagdusa sa bilangguan hanggang sa kanyang
kamatayan dahil sa mga paratang nina Padre Damaso at mga artilyero kahit na
napatunayang wala namang katotohanan.
KABANATA
5: PANAGARAP SA GABING MADILIM
Gulong-gulo ang isipan ni Ibarra sa mapait na katotohanang
nalaman niya at di na napanasin ang napakagandnag dilag na hinahangaan ng lahat
na si Maria Clara.
KABANATA
6: SI KAPITAN TIAGO
Si Don Santiago “Kapitan Tiago” ay isang Pilipinong
napakayaman at may malaking impluwensya sa mga mataasang Kastila at prayle; isa
sa kanyanng malapit na kaibigan ay si Don Rafael Crisostomo at sila’y
nagsumpaan na ang kanilang mga anak na sina Ibarra (anak ni Don Rafael) at
Maria Clara (anak ni Kapt. Tiago), ay mag-iisang dibdib sa tamang panahon.
KABANATA
7: SUYUAN SA BALKONAHE
Nagkita at nagkausap sila Maria Clara at Ibarra sa asotea
tungkol sa magagandang nangyari sa kanilang dalawa, ngunit ito’y natapos nang
basahin ni Maria ang sulat ni Don Rafael para kay Ibarra at agad tumugon si
Ibarra na dahil kay Maria ay nakalimutan niya nang kanyang misyon sa Pilipinas.
KABANATA
8: MGA ALAALA
Habang si Ibarra ay nakasakay sa kalesa, ay unti-unting
nawala ang sakit na nadarama at napuno ang isipan ng mga magagandang alaalang
nandoon pa siya sa Maynila ngunit sa pagsulyap niya sa Bagumbayan, ay napukaw
siya nito sa katotohanang mga dayuhang pumunta dito upang humanap at kumuha ng
ginto.
KABANATA
9: MGA SULIRANIN TUNGKOL SA BAYAN
Ikinuwento ni Paring Sibyla sa paring may sakit ang
problema sa pagtatalo niya kay Padre Damaso tungkol sa pagpataw ng mataas na
buwis sa mga Pilipino dahil sa pagkawalan ng kanilang (pari) ari-arian sa
Europa at ang malaking naihambag nila Ibarra at Kapitan Tiago sa pagpapalaki ng
kanilang (Kastila) korporasyon at kapitaran.
KABANATA
10: ANG SAN DIEGO
Ang San Diego ay ang bayang tahanan ni Don Rafael, na kung
saan ang kanyang lolo na Kastila at ama ay naninirahan doon noon; si Don Rafael
ay mabait at mismong nagpaunlad sa mga magsasaka ng San Diego at nagging Kura
Indigo ngunit nang siya’y namatay ay si Padre Damaso ang pumalit sa kanya.
KABANATA
11: ANG MGA MAKAPANGYARIHAN
Kahit na sina Don Rafael at Kapitan Tiago ay napakayaman sa
San Diego, ay hindi parin sila itinuturing na makapangyarihan at sila’y
nililibak ng lahat ngunit iba ito nila Padre Salvi (pumalit kay padre Damaso)
at Alperes (puno ng mga guwardya sibil) na binansagang pinakamakapangyarihang
tao sa San Diego ngunit sila’y lihim na nakikipagdebate sa isa’t isa dahil sa
agawan ng kapangyarihan.
KABANATA
12: TODOS LOS SANTOS
Doon sa sementeryo ng San Diego ay mayroong dalawang lalaki
na naghuhukay sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan, para sa bangkay na sariwa
pang lumalabas ang dugo nito at di mapakali ang isa sa mga lalaki nito kaya
natapon niya ang bangkay sa lawa na utos ni Padre Garrote.
KABANATA
13: MGA UNANG BANTA NG UNOS
Nang dumating si Ibarra sa sementeryo ng San Diego, ay agad
niyang pinahanap ang puntod ng knayang ama sa lalaking nagbabantay sa
sementeryo, ngunit ipinagtapat niya kay Ibarra na tinapon niya ang bangkay sa
lawa dahil sa utos ng isang pari at mas mabuti pa daw iyon kaysa malibing sa
mga libingan ng mga Instyik; puno ng galit at sakit si Ibarra nang pinagtanong
niya si Padre Salvi kung sino ang sanhi nitong kalapastanganan at ang sagot ng
pari ay si Padre Garrote o mas kilala bilang Padre Damaso.
Pangamba, Pagdaralita, at mga Paratang
KABANATA
14: BALIW O PILOSOPO?
Si Don Anastacio ay isang napakatalino at may kakaibang
pananaw sa buhay kaya tinatawag siyang Pilosopong Tasyo pero ang ilan ay
nag-aakalang siya’y baliw dahil sa di karaniwang pag-iisip sa bagay-bagay,
kagaya sa pagbulalas sa nararating na unos sa San Diego.
KABANATA 15: ANG MGA SAKRISTAN
Ang mga sakristan na sina Crispin at Basilio ay patuloy na pinagmamalupitan, dahil sa bintang na si Crispin
daw ang nagnakaw ng pera ng simbahan kahit wala naming ebidensyang nagpapatunay
nito pero walang naniwala sa kanila.
KABANATA 16: SI SISA
Si Sisa ang ina nina Basilio at Crispin na nag-asawa ng
sabungerong nagbubuhat ng kamay sa kanya ngunit tinitiis niya ito dahil sa
kanyang pag-ibig sa kanyang asawa at sa kanyang mga anak; sa gabing iyon, ay
naghanda si Sisa ng masarap na hapunan para nina Basilio at Crispin ngunit
hindi parin sila bumabalik galing sa simbahan pero nang makita niya si Basilio
na dumudugo ang noo at hindi na kasama si Crispin, ay nakaramdam ng kilabot si Sisa.
KABANATA 17: SI BASILIO
Hindi sinabi sa kanyang ina ang malupit na dinadaanan ng
kanyang naiwang kapatid at sa pagtulog
niya’y napanaginipan ni Basilio si
Crispin na walang awing pinagpapaluan hanggang sa mawalan ng malay; hindi
sumagot si Basilio nang tanungin siya ni Sisa tungkol sa kanyang napanaginipan
sa halip ay sinabihan niya ang kanyang mga balak para sa ikauunlad at ikabubuti
ng kanilang pamumuhay nila Sisa, at Crispin.
KABANATA 18: NAGDURUSANG KALULUWA
Maagang pumunta sa kumbento si Sisa upang malaman ang
kalagayan ng kanyang anak na si Crispin ngunit natuklasang wala na doon si
Crispin at mas lalong sumakit ang kurot sa kanyang puso nang ang mga tao doon
ay pinagsasalitaan ng masama si Crispin tungkol sa pagnanakaw na nagmana sa
kanyang asawang sabungero.
KABANATA 19: KARANASAN NG ISANG GURO
Ikinuwento ng guro na tinulungan ni Don Rafael, kay Ibarra
ang malupit na karanasan niya sa pagtuturo sa paghangad ng pag-unlad ng
pagtuturo na walang karahasan ngunit ito’y mahirap makamit dahil sa higpit ng
mga Kastila na sundin ang sistemang nakalaan na sa pagtuturo; na dapat ay
gumamit ng karahasan upang matuto.
KABANATA 20: PULONG NG BAYAN
Hindi pinagbigyan ng Partidong Conservador ang planong
kagustuhan ng Partido Liberal dahil sa akala’y walang saysay at ang plano
lamang ng Partidong Conservador ang masusunod para sa paghahanda sa nalalapit
na pista ng San Diego.
KABANATA 21:` KUWENTO NG ISANG INA
Nang si Sisa ay nadakip ng mga guwardya at napahiya sa
lahat nang siya’y na bilanggo; nung siya’y pinalaya ay masakit na hinarap niya
ang katotohanan na hindi parin niya nakikita ang kanyang mga anak at ito’y
nagpasimuno sa kanyang pagkabaliw.
KABANATA 22: DILIM AT LIWANAG
Sa nalalapit na pista ng San Diego ay kinagigiliwan ng
lahat ang pagdating ni Maria Clara; nang dumalaw si Ibarra sa bahay nila Maria
Clara, ay pinakausapan ni Maria na huwag isama si Padre Salvi sa kanilang lakad
bukas dahil sa kanyang takot sa mga maligkit nitong tingin sa kanya ngunit
hindi ito pinagbigyan ni Ibarr sapagkat a kagandahang-asal at kaugalian ng mga
taga- San Diego.
KABANATA 23: PANGINGISDA
Mga grupo ng kadalagahan at binate ang namamangka, kasama
sina Maria Clara at Ibarra, nang may buwayang tumambad sa kanila at agad naman
itong tinangkang patayin ng piloto ngunit siya’y nahulog sa ilog kung saan ay
aatake sana ang buwaya pero iniligtas ni Ibarra ang piloto sa tiyak na
kamatayan.
KABANATA 24: SA GUBAT
Sa salu-salo ni Ibarra ay ipinadakip ng guwardya civil si
Sisa at nadamay ang kasamahan ni Ibarra na nagpasunod kay Sisa.
Pagkamulat sa Darating na Kapamahakan
KABANATA
25: SA BAHAY NG PANTAS
Sa kabila ng pangungutya ng ilan na baliw si Pilosopong
Tasyo ay pumunta si Ibarra sa kanyang bahay upang humingi ng payo kung ano ang
nararapat niyang gawin sa plano niyang pagpapatayo ng paaralan sa San Diego at
binigyan siya ng mga payo; isa na dito ang isaalang-alang niya muna bago siya
magpatayo dahil ang kanilang bayan ay hinaharian ng kapangyarihan ng Simbahan .
KABANATA 26: BISPERAS NG KAPISTAHAN
Puno ng kasiyahan ang mga taga-San Diego sa paghahanda ng
kanilang nalalapit na pista at abala namang gumagawa ng pundasyon ang mga
manggagawang sa ipinapatayong paaralan ni Ibarra.
KABANATA 27: KINAGABIHAN
Labis din ang paghahanda ni Kapitan Tiago para sa nalalapit
na pista upang mas mahigitan niya ang lahat na mayayamang pamilya sa San Diego
at upang mapasaya sina Maria Clara na paging hinahangaan ng tao at Ibarra na
kinikilala ng lahat dahil sa knayang kahusayan at kagitingan.
KABANATA 28: MGA SULAT
Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang
tungkol sa pista; mga makapangyarihang taong dumalo, maringal na prusisyon,
masasarap na pagkain at iba pa; sa isang sulat ni Maria Clara ay puno ng
pag-aalala para kay Ibarra na hindi naadalo sa pagdiriwang dahil sa masamang
pakiramdam nito.
KABANATA 29: ARAW NG PISTA
Sa araw ng pista ay punong-puno ang San Diego ng mga taong
nakasuot ng knailang pinakamahuhusay na damit at kagaya ng mga nakaraang pista
ay sinimulan ng prosesyon nang may batang tumawag kay Padre Salvi na “papa” at
napahiya ang pari sa lahat kahit di totoo ang sinasabi ng bata.
KABANATA
30: SA SIMBAHAN
Pumong-puno ang simbahan ng
mga taong makikinig ng sermon na P250 ang
halaga kasi naniniwala ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang
manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa pero ang mga nakikinig
naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.
KABANATA
31: ANG SERMON
Maiging nakinig ang mga tao sa sermon ni Padre Damaso
tungkol sa kaluluwa, impyerno, mga ayaw magkumpisal, kasamaan at kamunduhan na
nakakuha ng iba’t ibang reaksyon ng mga tao pero dahil sa haba ng sermon ay
nakatulugan at nakainippan na ito ng lahat.
KABANATA 32: ANG PANGHUGOS
Sa araw ng seremonya ng panghugos para sa paaralang nais
ipatayo ni Ibarra ay sa kalayua’y nagmamanman si Elias, ang pilotong iniligtas
ni Ibarra, sa taong may hawak ng lubid na siya mismong gumawa sa panghugos; sa
hindi inaasahang pangyayari, naputol ang makinang gagamitin sa panghugos na
babagsak kay Ibarra na bumaba sa hukay pero sa halip ay ang gumawa ng nasabing
panghugos ang namatay sa aksidente.
KABANATA 33: MALAYANG ISIPAN
Pinuntahan ni Elias si Ibarra sa kanyang tahanan upang
magbigay ng babala sa kanya laban sa mga taong ang nais lamang ay mapabagsak si
Ibarra at ginagawa niya ito dahil rin sa utang na loob.
KABANATA 34: PANANGHALIAN
Masayang nagsalu-salo sa panghalian ang ilang kilalang tao
sa San Diego kabilang na sila Maria Clara at Ibarra ngunit ito’y nagtapos ng si
Padre Damaso ay nagsermon ng masama patungkol kay Don Rafael, ang ama ni
Ibarra; sinubukang ipinaglaaban ni Ibarra ang kanyang ama pero di parin tumigil
sa pananalita ng masama ang pari kaya di na nakayang kontrolin ni Ibarra ang
kanyang galit ay sinaktan at muntikang mapatay niya ang pari kundi lamang siya
pinatigil ni Maria Clara.
KABANATA 35: REAKSIYON
Kumalat sa San Diego ang nangyari sa pananghalian at umani
ng iba’t ibang reaksyon kagaya ng pagkadismayado ng iba dahil dapat ay pinahaba
pa ang pasensya ng binate ngunit meron ding sumasang-ayon sa nagawa ni Ibarra
dahil walang karapatan ang sinuman na maglapastangan sa amang namayapa; ito naman
ay nagdulot na mapait na balita sa mga mahihirap kung makakapag-aral pa baa ng kanilang
anak sa paaralang ipinatayo ni Ibarra pagkatapos sa nangyari.
KABANATA 36:` UMANG MGA EPEKTO
Dahil sa ginawa ni Ibarra kay Padre Damaso sa pananghalian
ay pinatawan siya ng parusang ekskomulgado at inutusan si Kapt. Tigao ng mga
prayle na putulin ang relasyon nina Maria Clara at Ibarra na nagsanhi ng away
ng mag-ama na dinamdam ni Maria Clara na maghapong nag-iyak at tinanong ang
Diyos kung bakit nangyayari ito sa kanya.
KABANATA 37: ANG KAPITAN-HENERAL
Ang lahat ng mga makapangyarihan at importanteng tao ay
nagbigay-galang sa pagdating ng kapitan-heneral sa San Diego; humanga siya sa
talino at pagmamalasakit ni Ibarra para sa bayan kaya siya’y tumulong na ipawalang
bisa ang kanyang pagka-ekskomulgado, ipinatupad ang kanyang proyekto at para sa
mga darating pa.
KABANATA 38: ANG PRUSISYON
Nagsimula ang prusisyon nang sumapit ang gabi at isa-isang
ipinarada ang mga santos at nakisama ang mga tao ng San Diego at sinabayan ng
kanta na nagdulot ng kalungkutan at pangamba kay Ibarra ngunit naputol ito nang
inalok siya ng kapitan–heneral na makisalo sa pagkain upang usapan ang
pagkawala nila Basilio at Crispin.
KABANATA 39: DONYA CONSOLACION
Habang abala ang marami sa pakikipagsaya sa pista, si Donya
Consolacion na dumalo lamang ng misa ay nakakulong sa kanyang bahay dahil siya’y
ikinahihiya ng kanyang asawang tenyente kaya sa kanyang pag-iisa ay
napagdiskitahan niya si Sisa na kanyang pinasayaw, pinakanta, pinagsasalitaan
ng masama at hinahataw ng latigo kung hindi siya susunod sa kanyang mga nais.
Ang mga Api at Mapang-Api
KABANATA
40: KARAPATAN AT KAPANGYARIHAN
Sa huling gabi ng pista ay napuno ng tao ang plasa upang
manood ng dula na pinamamahala ni Don Filipo; papatapos na ng pagdudula nang
dumating si Ibarra at di ito pabor ng mga prayle kaya inutusan si Don Filipo na
papaalisin ang suwail na binata ngunit di niya magagawa dahil si Ibarra ay may
malaking ambag sa sa pagdiriwang at dahil din s autos ng kapitan-heneral pero
hindi ito pinakinggan ng mga prayle na nauwi sa malaking kaguluhan.
KABANATA
41: DALAWANG PANAUHIN
May dalawang panauhing dumalaw kay Ibarra pagkatapos ng
kaguluhan sa dulaan; isa na si Elias na nagpahayag sa kanya na si Mari Clara ay
may sakit at nagtanong kung may ipagbibilin ba siya bagkus siya’y luluwas ng
Batangas; at ikalawa, ay si Lucas, ang kapatid ng namatay na manggagawang
gumawa sa panghugos, na nangungulit sa kanya na bigyan ang kanyang pamilya ng
malaking halaga ng pera kapalit ng pagpapatawad sa kanya para sa namatayang
kapatid.
KABANATA
42: ANG MAG-ASAWANG DE ESPEDAÑA
Puno ng kalungkutan ang pamamahay ni Kapt. Tiago habang
sila’y naghihintay sa mga doktor na si Dr. Tiburcio de Espedaña, ang asawa ni
Donya Victorina, na lulunas kay Maria Clara; sila’y nagkasundong magpakasal
upang matugunan ang kanilang sakim na pangangailangan.
KABANATA
43: MGA BALAK
Labis ang iyak at pangamba ni Padre Damaso sa kanyang inaanak
na si Maria Clara nang ipinakilala ni Donya Victorina si Alfonso Linares na
inaanak ng bayaw ni Padre Damaso; ibinigay ni Linares ang isang liham para sa
pari at nakiusap na makakuha ng trabaho at mapapangasawa na ito nama’y
tinulungan ni Damaso na pakiusapan si Kapt. Tiago habang si Padre Salvi naman
ay nagluluksa sa kalagayan ni Maria Clara
nang dumating si Lucas na nagdrama sa kanyang harapan tungkol sa kanyang
galit kay Ibarra na nagbigay lamang ng P500 sa namatayang kapatoid pero nainip
lamang nito ang pari at sinagawang pinagtabuyan ni Padre Salvi, walang magawa’y
lumisan si Lucas habang may bumubungol sa sarilli.
KABANATA
44: ANG PANGUNGUMPISAL
Napagdesisyunan ng kura na ipangomonyon ang dalaga upang
mawala na ang kanyang karamdaman pero sa halip na mawala ay pangungunot at
pamimigta sa pawis ng kanyang noo ang naihayag na nangunguhulugan na hindi siya
napatawad sa kanyang pangumpisal.
KABANATA
45: ANG MGA API
Sa gitna ng kagubatan ay nakipagkita si Elias kay Kapt .
Pablo
na kasalukuyang nagtatago dahil itinuring siyang rebelde ng pamahalaan ngunit
di niya masisisi ang kanyang sarili kung ang nagpasimuno nitong kalupitan,
galit at sakit na kanyang nadarama ay galing sa mga kamay ng mga Espanyol;
pinag-usapan ni Elias ang kapitan na si Ibarra Crisostomo ay maaring magbigay
sa kanila ng susi upang mapuksa ang mga kaaway at siya nama’y umayon at
nagsabing maghihintay sila sa tamang oras na pabagsakin ang pamahalaan ng
Kastila.
KABANATA
46: ANG SABUNGAN
Naging bahagi na sa pamumuhay ng mga Pilipino ang
pagsasabong na isang sugal; nakilahok ang magkapatid na sina Kapt. Bruno at
Kapt. Tarsilo at sila’y nakiusap kay Lucas na pautangin sila ng pera pampusta
sa sabungan pero sinabihan sila ni Lucas na may kondisyon sa pagpapahiram ng
pera dahil pag-aari ito ni Ibarra Crisostomo; nawalan ng gana ang magkapaitd na
humingi sa takot na pareho ang kapalaran nila sa kanilang ama na pinatay ng mga
guwardya sibil ngunit kalauna’y nakalimutan ito nang mabilag sa kasayahan ng
kalalakihan sa pagsasabong at sa huli ay nakipagsundo sila kay Lucas at
pinagsabihan silang sasalakayin nila ang kuwartel at simbahan—na kapag
matagumpay ang pagsalakay ay may gantimpala galing kay Ibarra Crisostomo; sa
ikawalo naman ng gabi sa makalawa ay kailangan magtungo sila sa
libingan upang tumanggap ng utos.
KABANATA
47: ANG DALAWANG SENYORA
Ang paghaharap ng dalawang donya ay bunga ng mababang
tingin at mataas na pagpapahalaga sa sarili ni Donya Victorina kay Donya
Consolacion kaya pinatulan din ito ni Donya Consolacion; pagbalik ni Donya
Victorina sa bahay ni Kapt. Tiago ay binantaan niya si Linares na kapag hindi
hinamon ng duwelo ang tenyente ay ibubunyag niya ang lihim nito.
KABANATA
48: ISANG TALINGHAGA
Nakabalik na si Ibarra sa San Diego dala ang balitang
pinatawad siya ng arsobispo sa pagiging ekskomulgado kaya madali niyang dinalaw
si Maria Clara ngunti tila nabigla at gulong-gulo ang isip nang madatnan niya
si Linares sa bahay ni Kapt. Tiago; sa kabilang banda ay nakita niya si Elias
na nagtatrabaho para kay Maestro Juan kahit hindi ito kasali sa listahan ng mga
manggagawa at agad naming inimbitahan ni Elias si Ibarra na makipagkita sa
kanya dahil may mahalaga siyang sasabihin sa kanya.
KABANATA
49: TAGAPAGBALITA NG MGA API
Nang nakipagkita si Ibarra kay Elias ay sinabihan siya
nitong may mga taong maghihimagsik at napagtantong magkaiba ang kanilang
pananaw sa pagsugpo ng pamahalaan at simbahan; nang malaman ito ni Ibarra ay
humiling siya kay Elias na ikuwento ang kanyang buhay upang mas maunawaan niya
ang mga hinaing na idinulog sa kanya.
KABANATA
50: ANG KASAYSAYAN NI ELIAS
Inilahad ni Elias kay Ibarra ang masaklap na dinanas ng
kanyang angkan—ang kanyang lolo ay pinagbintangang sumunog ng bahay ng
mayamang negosyante kahit walang katotohanan ngunit di siya pinakinggan at
napilitang mabuhay sa dilim kasama ang kanyang asawa at doon nagsisimula ang mga
buhay ng mga ninuno ni Elias na nabuhay ng masaklap, sa hiya, takot at kondena
ng mga tao hanggang sa kanilang mapait na kamatayan.
KABANATA
51: ANG MGA PAGBABAGO
Sa bahay ni Kapt. Tiyago ay lihim na balisang-balisa
si Linares kung paano niya matutupad ang utos ni Donya Victorina kapalit sa
kanyang lihim na labis niya pinagtataguan; nandoon din sina Padre Salvi na
nagpahayag sa lahat sa pagkawalang bisa ng ekskomulgado ni Ibarra, Kapt. Tiago
at Sinang (kaibigan ni Maria Clara) na masayang tinanggap ang balita, Maria
Clara na walang imik at parang puno ng kalungkutan at si Ibarra na gustong
makipagsarilinan si Maria Clara dahil sa natuklasang kaalaman na ang babaeng
minamahal niya ay nagdaramdam sa kanilang magulong agos ng pag-iibigan.
Mga Pangyayaring Humantong sa Isang
Katapusan
KABANATA 52: ANG BARAHA NG PATAY
AT ANG MGA ANINO
Sa
kadiliman sa sementeryo ay may tatlong lalaking nag-uusap tungkol kay Elias na
hindi pa nila nakakausap pero hinala nila’y sasama din ito sa pagsalakay dahil iniligtas
ni Crisostomo Ibarraang buhay nito at nag-usap-usap din sila sa kanilang
dahilan kung bakit sila sumali nitong grupo; ang isa ay dahil sa pagpapadala ni
Ibarra ng gamot para sa kanyang asawa at ang ikalawa ay ipaghigante ang namatay
na ama dahil sa kalupitan ng mga Kastila; silang lahat ay sasalakay sa
pamahalaan at ang simbahan kasama ang sigaw na, “Viva Don Crisostomo!”
KABANATA 53: IPINAKILALA NG UMAGA
ANG MAGANDANG ARAW
Dumalaw
si Don Filipo sa bahay ni Pilosopong Tasyo para kamustahin siya at sabihan tungkol
sa kanyang pagbtiw sa puwesto sa pamahalaan pero kahit nalulungkot ang pilosopo
nitong balitab ay tanggap niya na hindi pa ang tamang oras para kay Don Filipo;
ang dalawa’y nag-usap ng masinsinan tungkol sa pakay at kinabukasan ng bayan
lalo na si Pilosopong Tasyo na tinanggihan ang alok ni Don Filipo na bigyang
lunas ang kanyang karamdaman sa nalalapit niyang kamatayan.
KABANATA 54: ANG SABWATAN
Dali-daling
sinabihan ni Padre Salvi ang komandante sa natuklasang sabwatan ng pagsalakay
sa kuwartel at simbahan at pinakausapang wag humingi ng tulong sa garrison upang
maunton ang may sanhi pero hindi ito nakalampas kay Elias at agad niyang
pinag-alam ito kay Ibarra na madidiin siya sa bintang na walang kasalanan at
nagmungkahing sunugin niya ang mga papeles na magkokonektado sa kanya sa
bintang; habang abala sa pagkuha ng mga papeles ay may nakitang liham si Elias.
KABANATA 55: ANG KAPAMAHAKANG
BUNGA NG PAGSASABWATAN
Natuklasang
ni Elias na ang lolo ni Ibarra ang may pakana sa pagbintang at pagpatay sa kaluluwa
ng knayang lolo—galit sana at dapat na kanyang maramdaman ngunit napagtanto
niyang wala siyang makukuha sa paghihiganti at hindi magkapareho ang lolo ni
Ibarra at si Ibarra dahil si Ibarra ay isang mabuti at totoong kaibigan; nang dinala
ni Elias ang mga importanteng bagay para kay Ibarra ay papalapit na ang mga
guwardya kaya sadyang sinunog niya ang bahay ngunit sa huli ay hinuli parin si
Ibarra sa paratang siya’y lider ng himagsikan.
KABANATA 56: ANG MGA SABI-SABI
Kinabukasan
ay takot ang namayani sa bayan nang matuklasan ang isang bangjay na inakalang
nagbigti pero sa mga mata ni Elias ay alam niyang sadyang pinatay ang biktima
na si Lucas.
KABANATA 57: SILANG MGA NALUPIG
Labis
na pagpapahirap ang sinapit ni Tarsilo na isang rebeldeng nahuli ng mga Kastila
at pilit siyang pinaaamin na si Don Crisostomo ang may pakana ng himagsikan
kahit na wala siyang kaalam kung sino ito pero di siya pinakinggan at mas
pinagmamalupitan hanggang sa siya’y namatay sa karumal-dumal na paraan.
KABANATA 58: SIYA NA DAPAT
SISIHIN
Agad
kumalat sa bayan ang balitang ililipat ng kulungan ang mga bilanggo kaya ang
mga kamag-anak nito ay idiniin ang kanilang galit at sisi kay Ibarra na
kanilang pinagsisigawan at pinagbabatuhan dahil sa bintang na siya ang
nagpasimuno sa paglusob na nagpahamak sa mga bilanggo; puno ng kalungkutan ang
puso ni Ibarra bagkus ni tao ang sumubok na ipagtanggol siya pagkatapos ng
lahat na mabubuting naiambag niya sa bayang kanyang minahal.
KABANATA 59: PAGKAMAKABAYAN AT
KAPAKANANG PANSARILI
Kumalat
ang balita sa buong Maynila tungkol sa pagsuwail ni Ibarra sa pamahalaan at
simbahan; agad na nangamba ang mga taong may koneksyon o kakilala kay Ibarra sa
takot na pagdudahan siya pamahalaan sa pagsanib puwersa kaya isa na dito ay
nagbigay ng mamahaling regalo sa nakatataas upang ang sarili niya’y mailigtas
pero hindi ito nakalampas sa pagdududa ng pamahalaan at siya’y nadakip; sa
kabilang banda ay habang nagmuni-muni si Ibarra sa kanyang mapait na karanasan
ay lihim na pinalaya siya ni Elias at sila’y tumakas papunta sa bahay ni Maria
Clara.
KABANATA 60: ANG KASAL NI MARIA
CLARA
Nagbunyi
sa bahay ni Kapt. Tiago ang mga tao para sa nalalapit na kasalan nila Linares
at Maria Clara at kalauna’y umalis ang dalaga patungo sa balkonahe sinasabing
walang katotohanang ang mga bintang sa kanyang minamahal; naputol ito nang siya’y
tawagin ni Ibarra at agad na ipinagtapat niya ang kanyang kasal kay Linares at
ang natuklasan niyang totoong ama na si Padre Damaso na gumahasa sa kanyang
ina; gustong magtanan si Maria kasama si Ibarra ngunit di pumayag ang binata dahil
sa kapamahakang dala niya at sinabihan niya si Maria na napatawad na siya sa
kanyang pagputol ng kanilang pangako dahil si Ibarra mismo ay lalayo na sa
kanya, sa kanyang minamahal na Maria Clara.
KABANATA 61: TUGISAN SA LAWA
Pagkatapos
sa mapait na paghihiwalay nila Maria Clara at Ibarra ay agad tumungo sa bangka sina
Elias at Ibarra patungo sa porte kung saan idadala doon ni Elias si Ibarra upang
makaligtas laban sa mga kaaway at para makapagsimula ng bagong buhay na
matiwasay sa ibang bansa na di siya kasama bagkus di na kabisado ang pamamaraan
sa ibang bansa; hindi pumayag ang binate at nagsabing may paghihiganti pa
siyang gagawin ngunit pinagsabihan siya ni Elias na wala siyang mapapala sa
paghihiganti at hindi dahas ang ginagamit sa pag-angkin ng kapayapaan sa bayan;
naputol ang kanilang pag-uusap nang natuntunan sila ng mga sundalo at agad na
sinabihan ni Elias si Ibarra na magpalit sila ng kanilng mga damit at magtago
siya sa mga dahon na nasa bangka—mabilis na ang pangyayari at
lumangoy patungo sa lupa si Elias upang mapalayo ang mga sundalo sa bangkang
sinasakyan ni Ibarra at sa kasamaang palad ay nabaril si Elias ngunit siya’y
nakatakas, nagtatago sa kagubatang at duguan.
KABANATA 62: NAGPALIWANANG SI
PADRE DAMASO
Nasa
printa ng pahayagan ang balitang patay na si Don Crisostomo ang kanyang mahal,
nagdulot ng malaking pagkasawi sa nadudurog na puso ni Maria Clara; nang siya’y
tanungin ni Padre Damaso sa dahilan ng kanyang kalungkutan ay galit na
sinabihan siya ni Maria kung tunay ba niyang ama si Padre Damaso na nanggahasa
sa kanyang ina at agad na nagmaka-awang nanghingi ng tawad siya sa harap ni Maria;
sinisi ni Maria si Padre Damaso sa lahat na kahirapang dinanas niya at ni
Ibarra—napagdesisyunan
ng dalaga na mas pipiliin niyang maging madre kaysa magpakasal sa taong di niya
mahal; kahit na sakit sa puso para kay Padre Damaso ang desisyon ng dalaga ay
wala siyang magawa kundi pumayag sa kanyang kagustuhan.
KABANATA 63: NOCHE BUENA
Buhay
at ligtas si Basilio dahil sa isang pamilyang tumulong sa kanya at siya’y
nagpaalam upang hanapin ang kanyang ina ngunit pagdating niya sa bayan ay
nalaman niyang baliw na ang kanyang ina at nang Makita niya ito ay agad niyang
kinausap pero agad na tumakbo papalayo patungo sa kagubatan ang kanyang ina
kaya hiabol ito; sa paghahabol nito sa kanya ay di sanasadyang nauntok ang ulo
ni Basilio na sanhi sa pagdurugo ng noo niya; nang Makita ito ng knayang ina ay
huli na nang naalala niya ang kanyang mahal na anak at siya’y yumao; sa
paggising ni Basilio ay natagpuan niya an gang kanyang inang nagkahandusa’y na
wala nang buhay—nang
may dumating na lalaking duguang nasa bingit na ng kamatayn at sinabihan syang
sunugin ang kanilang mga bangkang at ikuha ang kahong nakabaon sa lupa na kung
saan ay makaktulong sa kanyang kinabukasan.
KABANATA 64: ANG KATAPUSAN NG
NOLI ME TANGERE
Sa huli ay maraming sumawimpalad;
si Padre Damaso ay natagpuang patay dahil sa sakit na puso, si Kapt. Tiago na
wala nang tiwala sa simbahan at nalulong na sa pagsusugal at paghithit ng opium
at panghuli, si Maria Clara na yumao ngunit walang makompirmang rason sa
kanyang pagkamatay na pinagtataguan sa loob ng monasteryo.
̴̴̴Wakas ̴
“Ang nobelang walang kamatayan”
No comments:
Post a Comment